Snatcher, bugbog-sarado matapos mambiktima sa Quezon City

Quezon City – Gulpi ang inabot ng isang lalaki matapos itong mang-isnatch sa Barangay Katipunan, Quezon City kaninang madaling umaga.

Kinilala ang suspek na si Jose Yu, 42 anyos, residente ng Barangay Bahay Toro sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) station 2, nagte-text ang isang babaeng biktima habang nakasakay sa pampasaherong jeep ng biglang agawin ni Yu ang cellphone.


Nang makorner siya ng mga otoridad, dito na siya nakatikim ng panggugulpi mula sa taong bayan.

Agad namang, dinala sa istasyon ng pulisya ang suspek at sasampahan na rin ng nararapat na kaso.

Facebook Comments