Wednesday, April 22, 2026

DOJ Sec. Vida, bibiyahe na bukas patungong Czech Republic para sa pagpapauwi kay Zaldy Co

Kinumpirma ni Justice Secretary Eric Vida na bukas na siya bibiyahe patungong Czech Republic.

Ito ay upang makipag-usap sa mga awtoridad doon para agad mapauwi si dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.

Sa ambush interview, sinabi ni Vida na kasama niyang lilipad patungong Czech Republic si Chief State Counsel Dennis Chan.

Wala namang nabanggit ang kalihim kung sino ang mga makakapulong nya pagdating sa naturang bansa.

Una nang kinumpirma ni Vida ang pa-garesto kay Co bagama’t aminadong wala pa silang maipapakitang patunay gaya ng litrato.

Facebook Comments