Patuloy na itinataguyod sa Dagupan City ang ang social at health services katuwang ang iba’t-ibang ahensya ng gobyerno.
Alinsunod dito, naganap ang paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Dagupan at Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang mas mapalawig ang mga serbisyo para Dagupeños.
Saklaw ng signing of MOU ay ang ‘Development and Implementation of DSED Social Pension Program’ na mapapakinabangan ng mga senior citizens ng lungsod. Kasama rin dito ang nakatakdang pag-implementa ng iba’t-ibang mga programa na may layong matugunan ang nangangailangan partikular ng mga indigent Dagupeños tulad na lamang Sustainable Livelihood Program o SLP.
Sa ilalim naman ng pangkalusugan para sa mga Batang Dagupeños, mapapakinabangan din pagkakaroon ng food Commodities sa ilalim ng RA 11037 o ang ‘Masustansyang Pagkain Para sa Pilipino Act’.
Makatutulong ang naturang mga programa upang maiangat ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap na residente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨