Patuloy ang panawagan ng awtoridad sa mga beachgoers sa Tondaligan Beach, Dagupan City na huwag maligo sa dagat kapag NASA impluwensya ng alak.
Inaasahan na kasi ang dagsa ng mga bibisita sa lugar ngayong linggo ng araw ng mga Puso.
Ayon sa mga lifeguard ng Tondaligan Beach, May mga bisita pa rin ang matigas ang ulo at hindi sumusunod sa pakiusap ng awtoridad.
Bagamat wala pa umanong naitatalang insidente ng pagkalunod sa naturang beach ngayong buwan ay mas mainam umano na maging alerto ang mga bumibisita lalo kung may mga kasamang bata.
Anila, huwag rin umanong pababayaan at iwan basta-basta ang mga gamit sa mga nirerentahang cottage o kung mag pipicnic malapit sa baybayin dahil maaaring mabiktima naman ng mga kawatan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments