Solusyon ng gobyerno sa mga problema ng bansa, inaasahang ilalahad sa SONA

59

Umaasa si Senator Grace Poe na sa unang State of the Nation Address (SONA) ay ilalahad ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang gagawin ng gobyerno sa mga problema ng bansa.

Pangunahing tinukoy ni Poe ang walang humpay na pagtaas ng mga bilihin, presyo ng gasolina, at kung paano maibsan ang paghihirap ng ating mga kababayan.

Masaya si Poe na ang pangulo mismo ang mamamahala ng Department of Agriculture (DA) kung saan nais niyang marinig ang plano para mapigilan ang ang smuggling.


Nais din ni Poe marinig sa SONA kung ano ang mga maibibigay na tulong sa mga magsasaka para bumaba ang presyo ng bilihin at maging malago ang ating pagsasaka at pangingisda.

Gusto rin ni Poe na marinig mula sa pangulo ang patungkol sa ipinasang Public Service Act na humihikayat sa mga gustong mamuhunan sa ating bansa.

Facebook Comments