Friday, June 5, 2026

Motion for reconsideration ni Sen. Risa Hontiveros laban sa reklamong cyberlibel kina Atty. Ferdinand Topacio, ibinasura ng DOJ

Ibinasura ng Department of Justice (DOJ) ang motion for reconsideration ni Sen. Risa Hontiveros kaugnay sa kaniyang reklamo laban kina Atty. Ferdinand Topacio at ilang vloggers.

Ito ay sa reklamong cyberlibel ni Hontiveros laban kina Topacio, Jeffrey Celiz, Krizette Chu, Byron Cristobal, Jay Sonza at Alex Destor.

Batay sa kopyang ipinadala ni Topacio sa media, ibinasura ng DOJ prosecutors ang mosyon ni Hontiveros dahil sa kakulangan ng merito.

Wala umanong sapat na ebidensiya para patunayang ginawa ng mga respondent ang kanilang mga pahayag habang alam na mali ang mga ito o may tahasang pagwawalang-bahala sa katotohanan.

Ginawa rin daw mga pahayag sa gitna ng mga umiiral na public controversies at mga pagdinig sa Kongreso kung saan bagama’t matitindi at mapanuri ay itinuring ang mga ito bilang opinyon, komentaryo, o interpretasyon hinggil sa mga usaping publiko.

Batay rin sa pagsusuri ng DOJ, walang malinaw na ebidensiyang nagpapakita na alam ng mga respondent na mali ang kanilang mga pahayag o sadyang binalewala ang katotohanan.

Dahil dito, pinagtibay ng DOJ ang naunang desisyon at tuluyang ibinasura ang motion for reconsideration dahil sa kakulangan ng merito.

Facebook Comments