Thursday, June 4, 2026

Senador Jinggoy Estrada, tumangging magpasok ng plea sa arraignment sa kaso niyang graft sa Sandiganbayan 2nd Division

Hindi nagpasok ng plea si Senator Jinggoy Estrada sa isinagawang pagbasa ng sakdal sa kaso niyang graft sa Sandiganbayan 2nd division.

Dahil dito, ang korte na mismo ang nagpasok ng not guilty plea para sa Senador.

Dahil sa kaniyang iniindang severe osteoarthritis sa dalawang tuhod, pinayagan ng Anti Graft Court si Estrada na hindi na personal na dumalo para sa arraignment sa kasong graft.

Pinayagan ng korte si Estrada na dumalo sa pamamagitan ng teleconference.

Ibinasura ng Sandiganbayan 2nd Division ang mga mosyon ng kampo ni Senator Jinggoy .

Kaugnay ito ng pagkakasangkot ni Estrada sa maanolyang flood control projects.

Kabilang dito ang motion to quash, motion to dismissed with prejudice, motion to suspend proceedings, at motion to reinvestigate.

Hindi na rin nakadalo ang kapwa akusado na si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan dahil sa kaniyang medical condition.

Facebook Comments