Special audit sa Pharmally deals, ilalabas na sa Marso – COA

71

Nakatakda nang ilabas ng Commission on Audit (COA) special audit team sa darating na Marso ang report hinggil sa naging supply deals ng pamahalaan at Pharmally Pharmaceutical Corp.

Ayon kay COA Chairman Michael Aguinaldo, isinasapinal na ng ahensya ang estado sa pagsusuri ng special audit sa Pharmally deals.

Kasunod nito ay magsasagawa ang COA ng exit conference sa Procurement Service of the Department of Budget and Management (PS-DBM) sa darating na Pebrero.


Matatandaang sinabi ni Aguinaldo sa Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre 2021 na posibleng matapos ang special audit report sa katapusan ng 2021 ngunit hindi ito natapos sa itinakdang oras dahil sa mobility restrictions at pagkaantala ng mga dokumento mula sa PS-DBM, Department of Health (DOH), at Bureau of Internal Revenue (BIR).

Facebook Comments