Mga residente na apektado ng 18 oras na water interruption problemado sa Las Piñas City

40

Problemado ngayon ang ilang residente sa Las Piñas City na apektado ng 18 oras na water interruption na ipinatutupad ng Maynilad.

Ayon kay Emily Santos residente ng Almanza Uno Las Piñas City kung dati rati tuwing alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw lamang walang suplay ng tubig,ngayon ay tuwing alas 11 na ng gabi hanggang alas 5 ng hapon kinabukasan sila mawawalan ng tubig.

Paliwanag ni Santos hindi na nila alam kung paano sila maglalaba lalo at wala naman silang malalaking imbakan ng tubig.


Mayroon din mga pagkakataon din umano na may suplay naman ng tubig pero marumi ang lumalabas sa kanilang gripo.

Batay sa abiso ng Maybilad kabilang sa mga lugar na maaapektuhan ng Water Interruption ang Barangay Almanza Uno, Pilar, Talon Dos at Talon 5.

Facebook Comments