Suplay ng kuryente sa Luzon, nasa negative status na

27

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na hindi lamang manipis kundi nasa negative status na ang suplay ng kuryente sa Luzon.

Ayon kay Energy Undersecretary Felix Fuentebella, ibig-sabihin nito ay mas marami nang demand o kailangang kuryente kaysa sa kaya pang ibigay ng generator.


Kasabay nito, sinabi rin ni Fuentebella na mayroon pang isang planta silang inaasahang magbabalik-operasyon ngayong hapon para madagdagan ang suplay ng kuryente.

Facebook Comments