Monday, August 3, 2026

NGCP, handa para sa posibleng epekto ng Bagyong Luis sa kanilang operasyon

Nakahanda umano ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa posibleng epekto ng Bagyong Luis sa kanilang mga transmission operations at pasilidad.

Kabilang dito ang pagsisiguro na may mga naka-standby na gamit sa komunikasyon, gamit sa pagkukumpuni ng maapektuhang linya at pasilidad, maging ang pag-de-deploy ng kanilang mga tauhan sa mga strategic area para agad na maibalik ang supply ng kuryente sakaling maapektuhan ng nasabing bagyo ang kanilang linya.

Sa ngayon, sinabi naman ng NGCP na nananatiling normal ang operasyon ng kanilang mga transmission line at pasilidad.

Gayunpaman, isasailalim umano sa Yellow Grid Alert ang Visayas Grid simula 5:00 PM hanggang 8:00 PM ngayong Lunes, August 3, dahil sa manipis na supply ng kuryente, dulot ng tatlong planta na hindi tumatakbo, habang 16 planta naman ang tumatakbo pero sa mas mababang kakayahan.

Facebook Comments