Supply ng isda ngayong first quarter ng 2022, posibleng bumaba – PAMALAKAYA

173

Nagbabala ang Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ng mababang supply ng isda bunsod ng sunod-sunod na oil price hike.

Ayon kay PAMALAKAYA Spokesperson Ronnel Arambulo, mararamdaman ang mababang huli ng isda ngayong unang bahagi ng 2022.

Aniya, 80 percent o halos P9,000 na gastusin ng mga mangingisda ay napupunta lang sa petrolyo.


Dahil dito, mapipilitan ang mga mangingisda na bawasan ang kanilang pagpalaot dahil sa mataas na presyo ng diesel na magreresulta sa kaunting supply ng isda sa mga palengke.

Facebook Comments