Pinakamababang kaso ng COVID-19 ngayong taon, naitala ng DOH

71

Nakapagtala ng 866 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mababa ito kumpara sa 1,067 na kaso kahapon at ito rin ang pinakamababang kasong naitala ngayong taon.

Dahil dito, umabot na sa 3,663,920 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 50,827 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 1,622 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 3,556,589 na ang recoveries.

Samantala, nadagdagan naman ng 53 ang nasawi ngayong araw kung kaya’t sa kabuuan ay umabot na sa 56,504 ang bilang ng mga nasawi.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong February 28 habang may walong laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.



Facebook Comments