Pansamantalang petsa ng ika-apat na Bayanihan, Bakunahan, inilabas na ng DOH

Nagtakda na ng pansamantalang petsa ang Department of Health (DOH) para sa gaganaping ikaapat na National COVID-19 Vaccination Drive.

Ayon kay DOH Usec. Myrna Cabotaje, itinakda ang tentative date ng ika-apat na Bayanihan, Bakunahan sa Marso 10 hanggang 12 kung saan ang magiging tema nito ay “March to Vaccinate.”

Magkakaroon din ng house-to-house vaccination ang pamahalaan maging sa mga workplaces upang dumami pa ang bilang ng mababakunahan.


Sa kasalukuyan ay umabot na sa 63 million na Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19.

Facebook Comments