PONDO PARA SA SKY GARDEN SA LUCAP BAYWALK AT IBA PANG PROYEKTONG PANGTURISMO SA ALAMINOS, TINIYAK NG TIEZA

Tiniyak ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority o TIEZA ang patuloy na suporta sa mga proyektong pangturismo sa Alaminos City, Pangasinan, kasunod ng pagbisita ni TIEZA Chief Operating Officer Mark Lapid sa lungsod.

Personal na kinumusta ni Lapid ang mga proyektong pang-imprastraktura ng ahensiya na layong palakasin ang sektor ngturismo sa lungsod.

Kabilang sa mga proyektong tinalakay ang Sky Garden sa Lucap Baywalk, na tumanggap ng pondo mula sa TIEZA atitinuturing na isa sa mga pangunahing proyektong pangturismo ng pamahalaang lungsod.

Ipinagpasalamat nina Pangasinan First District Representative Arthur F. Celeste at Alaminos City Mayor Arth Bryan C.Celeste ang suporta ng TIEZA, kabilang ang mga nauna nang naisakatuparang proyekto gaya ng Children’s Park andActivity Center at potable water system sa mga pangunahing isla sa Hundred Islands National Park.

Tiniyak naman nito na magpapatuloy ang suporta ng TIEZA, kasama ang opisina ng kaniyang ama na si Senator Lito Lapid, sa mga hakbang ng pamahalaang lungsod upang mapaunlad ang mga pasilidad at serbisyong pangturismo sa Alaminos. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments