Wednesday, July 29, 2026

Survey para sa voter preference sa 2028 elections, inilabas ng OCTA Research

Inilabas na ng OCTA Research ang resulta ng isinagawang survey kaugnay sa mga posibleng tumakbong senador sa 2028 elections.

Batay sa 2nd Quarter Tugon ng Masa survey, nanguna si Senator Robin Padilla sa hypothetical 2028 senatorial preference list na may 53.9%.

Sumunod naman sa kaniya sina Sen. Raffy Tulfo, Alan Peter Cayetano, dating Senador Grace Poe at Pasig City Mayor Vico Sotto.

Bumubuo naman sa top 12 sina Sen. Loren Legarda, dating Sen. Manny Pacquiao, Rep. Pulong Duterte, Ben Tulfo, Abby Binay, Sen. Jinggoy Estrada at Mark Lapid.

Kasama naman sa pangalan ng voter preference ang ilang miyembro ng gabinete at opisyal ng administrasyon gaya nina DepEd Sec. Sonny Angara, MMDA General Manager Nicholas Torre III, Cabinet Secretary Benhur Abalos, Labor Secretary Francis Tolentino, Executive Secretary Ralph Recto, Defense Secretary Gibo Teodoro, PCO Usec Claire Castro at DPWH Secretary Vince Dizon.

Batay ito sa sagot sa tanong kung ngayon idaraos ang halalan, sino ang kanilang iboboto bilang senador.

Paglilinaw naman ng OCTA, hindi ito dapat tingnan bilang forecast sa 2028 senatorial election kundi snapshot lamang ng mga napipisil ng mga botante nang isagawa ang survey.

Isinagawa ang survey nitong July 4-11 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,200 respondents edad 18 pataas na may ±3% margin of error sa 95% confidence level.

Facebook Comments