Wednesday, July 29, 2026

BAGONG OBISPO NG URDANETA CITY, PORMAL NANG UMUPO SA TUNGKULIN MATAPOS ANG SEREMONYANG DINALUHAN NG APOSTOLIC NUNCIO

Pormal nang naupo si Most Rev. Nick A. Vaquilar, D.D. bilang ika-4 na Obispo ng Diocese of Urdaneta matapos ang isinagawang canonical possession at solemn installation ceremony noong Hulyo 28.

Pinangunahan ni His Excellency, Most Rev. Charles John Brown, D.D., Apostolic Nuncio to the Philippines, ang seremonya bilang installing prelate matapos ang civic reception at prayerful procession mula City Hall patungo sa Cathedral of Our Lady of the Immaculate Conception.

Dumalo sa pagdiriwang ang mga pari, civic leaders, at lay faithful na nakiisa sa pormal na pagtanggap kay Bishop Vaquilar bilang bagong pinuno ng diyosesis.

Pinangunahan naman ni Bishop Vaquilar ang banal na pagdiriwang bilang main presider matapos ang kanyang pormal na pag-upo sa pamumuno ng Diocese of Urdaneta.

Ang canonical possession at solemn installation ay nagmarka sa opisyal na pagsisimula ng kanyang ministeryo bilang obispo ng diyosesis. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments