Suspek na Nakabangga sa Kapitan ng Barangay sa bayan ng Alicia, Sasampahan na ng Kaso

Cauayan City, Isabela- Dead on arrival sa pagamutan ang Barangay Kapitan ng Angadanan,Isabela matapos aksidenteng mabangga ng Toyota Fortuner na may plakang NCW 1611 ang kanyang minamanehong motorsiklo sa by-pass road ng Santa Cruz, Alicia, Isabela.

Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Alicia, kinilala ang biktima na si Gilbert Guillermo, nasa tamang edad, may asawa at residente ng Aniog, Angadanan, Isabela.

Habang nakilala naman ang suspek na si Johnly Niño, 29-anyos at residente ng Bayabo East, Tumauini, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, binabagtas ni Niño ang bypass road patungong Santiago City at ng makarating sa intersection ay bigla umano nitong kinabig ang manibela sa bahagi ng intersection dahilan upang mabangga ang minamanehong motorsiklo ng biktima.

Dahil sa insidente ay nagtamo ng matinding sugat sa katawan ang biktima at kalauna’y binawian din ng buhay.

Nakatakdang sampahan ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng mga awtoridad.

Facebook Comments