Sumiklab ang apoy sa isang bahay sa Sitio Eastern Babaan, Barangay Bonuan Gueset, Dagupan City noong November 4.

Ayon kay Leynard Capitli, may-ari ng bahay, bumili lamang umano siya ng uling bandang ala-sais ng gabi upang ipangluto, nang makabalik siya sa kanila ay nakita niya ang kumpulan ng tao na tulong-tulong sa pag-apula sa apoy na tumutupok sa kanilang bahay.

Dagdag ni Capitli, wala silang naisalbang gamit dahil sa insidente, pinahihinalaan din niyang nagmula ang apoy sa wire extension sa kanilang bahay.

Samantala, nangako naman ang barangay na tutulungan ang nasunugan lalo na sa pangunahing mga pangangailangan at pinansyal na tulong.

Nakatakda na rin makatanggap ng tulong ang apektado sa pamahalaang lungsod ng Dagupan.

Sa kasalukuyan, patuloy pang iimbestigahan ng Bureau of Fire Protection o BFP Dagupan ang tunay na pinanggalingan ng sunog at kabuuang pinsala nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments