Tangkang pagpupuslit patungong UK ng Arab nationals, natiklo sa NAIA

Naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang pamilya na Arab nationals na tinangkang ipuslit ng human trafficking syndicate patungong United Kingdom.

Ang apat na pasaherong dayuhan na kinabibilangan ng ina at tatlong anak ay gumamit ng pekeng travel documents.

Ayon sa BI, nanatili muna ng dalawang linggo sa Pilipinas ang pamilya bago ito nagpa-book ng ticket sa Cathay Pacific patungong UK via Hong Kong.


Sa pagsusuri rin ng BI personnel, natuklasan na peke ang UK national identity cards ng apat na pasaherong dayuhan.

Facebook Comments