
Iginiit ni House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon na ‘premature’ o masyado pang maaga para pag-usapan kung sino ang papalit kay Vice President Sara Duterte sakaling mapatalsik ito sa pwesto o mahatulang guilty ng impeachment court.
Tugon ito ni Bongalon sa hamon ni Senate President Chiz Escudero sa mga kongresista na tiyaking tatanggihan nila sakaling sila ialok sa kanila ang pagiging kapalit ni VP Sara.
Diin ni Bongalon, kahit kelan ay hindi nila ito natalakay sa Kamara at wala rin kahit sinumang kongresista ang nagpahayag ng interes sa posisyon ng ikalawang pangulo.
Ayon kay Bongalon, sila ay nakatuon sa paghahanda sa impeachment trial at hindi sa pansariling interes.
Alinsunod sa konstitusyon ay presidente ang magno-nominate sa bagong bise presidenteng pagbobotohan naman ng Senado at Kamara.