
Tinitingnan na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang lahat ng posibilidad na baka may nagtimbre sa mga operasyon nito.
Ito ay matapos na harangin ng People’s Liberation Army Navy at Chinese Coast Guard vessels ang M/V Lapu-Lapu at 3 support vessel ng Philippine Navy at Philippine Coast Guard (PCG), 60 nautical miles mula sa Ayungin Shoal.
Dahilan para napigilan ang paghahatid ng suplay sa mga tauhang nakatalaga sa BRP Sierra Madre.
Ayon kay AFP Spokesperson for the West Philippine Sea Retired Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, sinisilip na nila ang kanilang communication security, physical security, document security, personal security, at lahat ng klaseng security.
Kaugnay nito, sinabi ni Trinidad na mataas pa rin naman ang morale ng mga sundalo na nakadeploy sa BRP Sierra Madre at sanay naman sila na na-re-reschedule, nababago at nauudlot ang mga aktibidad sa lugar sa kabila ng nasuspendeng Rotation and Resupply mission.










