Matagumpay na naibalik sa kanilang mga komunidad ang tatlong kliyente ng Department of Social Welfare and Development Field Office I o DSWD FO1 sa ilalim ng Pag-Abot Program.
Kabilang dito ang dalawang kliyenteng inendorso ng Pag-Abot National Project Management Office o NPMO na naibalik sa kanilang mga lugar sa Alaminos City, Pangasinan at Bantay, Ilocos Sur Pangasinan noong Oktubre 1 hanggang 2, 2026.
Samantala, isang kliyente naman na inendorso ng DSWD MIMAROPA Region ang matagumpay na naiuwi sa bayan ng Banna, Ilocos Norte noong Oktubre 6, 2026.
Layunin ng Pag-Abot Program na matulungan ang mga pamilya at indibidwal na nasa street situations o FISS na ligtas na makabalik sa kanilang mga komunidad.
Sa pamamagitan ng programa, patuloy na isinusulong ng DSWD ang paghahatid ng tulong at serbisyo sa mga indibidwal na nangangailangan upang muli nilang makapiling ang kanilang mga pamilya at makapagsimula sa kani-kanilang komunidad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣






