URDANETA MAYOR SUMERA, NILINAW ANG DIREKSYON NG BAGONG ADMINISTRASYON; WALANG TANGGALAN SA MGA KAWANI

Nagbigay ng pahayag ang bagong upong City Mayor ng Urdaneta City, Doc Blesildo F. Sumera upang linawin ang magiging set-up at direksiyon ng lokal na pamahalaan sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Binigyang-diin ni Sumera na walang tatanggalin sa mga kasalukuyang manggagawa ng lokal na pamahalaan.

Aniya, ang mahalaga ay patuloy nilang magampanan nang maayos ang kani-kanilang tungkulin.

Nilinaw naman ni Urdaneta City Councilor Onofre Gorospe na ang mga natitirang opisyal ang siyang magno-nominate upang mapunan ang mga natitirang bakanteng posisyon sa konseho.

Ayon naman kay DILG Richard Leal, awtomatikong maililipat sa bagong upong City Mayor ang mga benepisyo, kabilang ang honorarium ni dating Mayor Julio Fernandez Parayno III.

Sa huli, tiniyak ng bagong mayor na ipagpapatuloy nila ang mga nasimulang programa at serbisyo ng dating mayor, gayundin ang mga posibleng bagong patakaran na kanilang pag-uusapan kasama ang bagong upong vice mayor at mga konsehal. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments