Teachers at personnel ng DepEd, sumailalim sa pagsasanay

50

Hindi naging hadlang sa Department of Education (DepEd) ang kontrobersyal na isyu ng maluhong seminars at training upang sumalang sa pagsasanay ang 965,000 mga guro at personnel’s ng kagawaran.

Nanindigan ang DepEd sa kanilang commitment na mabigyan ang humigit kumulang isang milyong mga teachers at personnel’s na kailangang sumailalim sa pagsasanay at mga programa para madagdagan ang kanilang kaalaman para sa pagtaas ng antas ng kanilang propesyon.


Giit ng Deped na hindi lalampas sa 2,000 piso ang allowance ng bawat guro at personnels o maliit na bahagi lang ng kanilang taunang pondo na umaabot sa 4 na bilyong piso o katumbas ng 7 punto 5 porsento lamang naiulat ng COA na P312.1 million ang ginastos sa trainings, conventions at seminar workshops ng DepEd Central Office mula  January hanggang  December 2017.

Facebook Comments

From Advertisers