Tuesday, April 21, 2026

Tax records nina VP Duterte at mister, naisumite na ng BIR sa Kamara

Ayon kay Gerville Luistro, wala nang saysay ang petisyon ng mister ni Sara Duterte na si Manases Carpio sa Quezon City Regional Trial Court na layong pigilan ang Bureau of Internal Revenue na isumite ang mga hinihinging dokumento ng House Committee on Justice.

Diin ni Luistro, noong April 14 pa naisumite ng BIR sa komite ang tax records ni Duterte at ng kanyang mister.

Ang mga naturang dokumento ay ipina-subpoena ng komite kaugnay ng mga alegasyong nakapaloob sa impeachment complaint, kabilang ang umano’y hindi maipaliwanag na yaman.

Tututukan ang naturang usapin sa pagpapatuloy ng impeachment hearing bukas, April 22.

Facebook Comments