
Sa panayam ng IFM News Dagupan, sinabi ni Councilor Danielle Canto, na patuloy na minomonitor ng lokal na pamahalaan katuwang ang City Nutrition Office ang kalagayan ng mga bata at buntis sa lungsod.
Kabilang sa mga isinasagawang hakbang ang regular na pagbibigay ng gatas at masustansyang pagkain, alinsunod sa Unaen so Mairap Bilay (UMB) Program.
Sa pakikipagtulungan naman ng pamahalaang lungsod at mga barangay council, ipinapatupad ang Goodbye Gutom Feeding Program para sa paghahatid ng feeding assistance sa mga barangay.
Ayon kay Canto, kabilang sa mga lugar na binibigyang pansin ng mga programa ang mga island barangay ng Dagupan City, lalo na ang mga batang nangangailangan ng suporta.
Aniya, patuloy na tinututukan ng lungsod ang kabataan na maisali sa mga programang pang-nutrisyon sa pamamagitan ng koordinasyon sa mga barangay at mga pamilya. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









