
Arestado ang Top 8 Most Wanted Person sa municipal level sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Umingan Municipal Police Station, katuwang ang PIU Pangasinan PPO, noong Hulyo 7 sa Umingan, Pangasinan.
Kinilala ang suspek bilang isang 28 anyos na lalaking magsasaka at residente ng Brgy. Lubong sa naturang bayan.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act No. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act, na may inirerekomendang piyansang ₱180,000.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Umingan MPS ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments










