Friday, September 4, 2026

DOTr, humihiling ng karagdagang P30-B budget para sa Mindanao railway at iba pang proyekto

Nananawagan ang Department of Transportation (DOTr) ng karagdagang P30 billion upang maipatupad ang mga kritikal na proyekto sa buong bansa kabilang ang Mindanao Railway Project.

Sa ginanap na pagdinig ng House Committee on Appropriations, iginiit ni Transportation Secretary Banoy Lopez na malaking tulong ang dagdag-pondo upang mapabilis ang feasibility studies at pagpapatayo ng mga pasilidad ng transportasyon sa labas ng Metro Manila.

Suportado naman ni Cagayan de Oro Second District Representative Rufus Rodriguez ang naturang adbokasiya at isinusulong na maidagdag ang pondo sa panukalang 300.96 billion pesos na 2027 budget ng ahensya.

Paliwanag ng pamunuan, gagamitin din ang pondo bilang local counterpart funding habang patuloy ang pakikipag-ugnayan ng pamahalaan sa mga foreign partner at dayuhang gobyerno na magpopondo sa probinsya.

Binigyang-diin ng DOTR na layunin ng mga proyektong ito na mapabuti ang connectivity, mas mabilis na biyahe, at palakasin ang ekonomiya sa Visayas at Mindanao.

Facebook Comments