Wednesday, September 30, 2026

Ibinunyag na pag-deliver ng mga maletang naglalaman ng salapi kay VP Duterte, pwedeng magpalakas sa alegasyong mayroon itong unexplained wealth

Naniniwala si House Impeachment Adviser and Spokesperson Robert Ace Barbers na maaaring ikonsidera bilang dagdag na ebidensya sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte ang mga isiniwalat ng dating security aide ni former House Speaker Lord Allan Velasco na si Police Officer Rodulfo Gracioso Jr.

Base sa kwento ni Gracioso, ilang beses siyang nag-deliver ng maletang naglalaman ng pera kay VP Duterte na may kabuuang halaga na P2-billion.

Sabi ni Barbers, kapag nagkaroon ng imbestigasyon at napatunayang totoo ay pwedeng magamit ang expose’ ni Gracioso na dagdag ebidensya sa ikalawang article of impeachment o alegasyong may hindi maipaliwanag na yaman si VP Sara.

Sabi ni Barbers, pwede itong sumoporta sa paglobo ng kabuuang yaman ni VP Sara na batay sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN ay umaabot na sa mahigit P98-million nitong 2025 mula sa mahigit P7.2 million noong 2007.

Facebook Comments