Wednesday, September 30, 2026

Mga isiniwalat ni dating Police Officer Rodulfo Gracioso Jr., dapat maingat na pag-aralan

Para kay House prosecutor at Manila Rep. Joel Chua, kailangan ng masusing pag-aaral at pag-iingat sa mga isiniwalat ng dating Security Aide ni Former House Speaker Lord Allan Velasco na si Police Officer Rodulfo Gracioso Jr.

Ang tinutukoy ni Chua ay ang kwento ni Gracioso na ilang beses syang nag-deliver ng maletang naglalaman ng pera kay Vice President Sara Duterte na may kabuuang halaga na 2-billion pesos.

Sabi ni Chua, kailangang bubusisiin ang affidavit ni Gracioso at isailalim sa authentication ang mga litrato at ebidensyang inilabas nito.

Katwiran ni Chua, masyadong mabigat ang mga akusasyon ni Gracioso kaya hindi dapat isantabi ngunit hindi rin ito basta-basta maisasama sa mga karagdagang ebidensya para sa ikalawang article of impeachment o alegasyong may unexplained wealth si VP Duterte.

Facebook Comments