The Chainsmokers, balik Pilipinas para sa one night concert!

Image via Facebook/The Chainsmokers

Sa ikatlong pagkakataon, magbabalik sa Pilipinas ang sikat na EDM-pop band at Grammy-winning duo na The Chainsmokers.

Inanunsiyo nila ito sa kanilang official Twitter account ang “World War Joy Asia Tour” na magaganap sa darating na Agosto 15 sa SM Mall of Asia (MOA) Arena. Magtatanghal rin ang nasabing duo sa Tokyo, Osaka, Seoul, Singapore, Bangkok, Hongkong, Shanghai, at Taipei.

Taong 2017 nang huling bumisita sa Pilipinas ang “The Chainsmokers” na bahagi ng kanilang “Memories Tour” kasunod ng concert nila noong 2014. Sumikat sa masa ang kanilang mga kanta na “Roses”, “Closer”, “Don’t Let Me Down”, “Something Just Like This”, “Paris”, at “#SELFIE”.

Facebook Comments