Manila, Philippines – Sinuguro ni Senate President Vicente Sotto III ang agarang pagpasa sa panukalang 14th month pay ng mga manggagawa sa private sector.
Ayon kay Sotto, nais niyang makalusot agad ang nasabing panukala sa susunod na buwan.
Muli niyang kakausapin si Senator Joel Villanueva, chairman ng senate committee on labor, employment and human resources development para sa nasabing panukala upang magbigay naman ito ng exemption sa ilang pribadong kumpanya.
Naniniwala kasi si Sotto na kayang-kayang ipatupad ang 14th month pay dahil maraming kumpanya ang may kakakayahang ibigay ito.
Facebook Comments