Thursday, June 4, 2026

SENADOR GATCHALIAN, KINALAMPAG ANG SENATE MAJORITY NA MAGBALIK-TRABAHO PARA SA BAYAN

Mariing nanawagan si Senador Win Gatchalian sa pamunuan at mayorya ng Senado na agad magbalik-sesyon at unahin ang kapakanan ng bansa kaysa sa mga politikal na protestang nagpapabagal sa operasyon ng gobyerno.

Ito ay matapos hindi dumalo ng majority bloc sa sesyon simula noong Lunes, Hunyo 1.

Ayon sa senador, labis na nakapanghihinayang kung saan napupunta ang pondo ng publiko dahil umaabot sa ₱25 milyon kada araw ang ginagastos sa kuryente, utilities, at pasahod sa mga senador kahit walang nagaganap na deliberasyon.

Giit ng dating pinuno ng Senate Finance Committee, sayang ang bayad ng taong-bayan sa mga mambabatas kung hindi naman ginagampanan ang kanilang tungkulin. Ipinunto nito na dahil sa standoff ay nakatengga ang mahahalagang batas, resolusyon, at promosyon ng mga tauhan ng militar.

Samantala, nanindigan naman ang “Solid Bloc 11” na hindi kalayaan ng Senado ang isyu, kundi pananagutan sa batas dahil trabaho ang hiling ng bayan, hindi drama.

Kasabay nito, pinagbibitiw ng minorya ang kasalukuyang liderato sa akusasyong tinalikuran nito ang responsibilidad nang sadyang i-boycott ng mayorya ang quorum. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments