Top 2 Most Wanted Person sa San Mateo, Isabela, Nasakote sa Aurora, Isabela!

62

San Mateo, Isabela – Arestado ang isang magsasaka na Top 2 Most Wanted Person sa bayan ng San Mateo sa kasong pagnanakaw matapos isilbi ng mga otoridad ang Warrant of Arrest nito dakong alas onse ng umaga sa Brgy. Ballesteros, Aurora, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si J-Ar Gamalog Evangelista, trentay dos anyos, walang asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Salinungan West, San Mateo, Isabela.

Batay sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, inaresto ng mga otoridad si Evangelista sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Raul V. Babaran ng RTC Cauayan City dahil sa kaso nitong Qualified Theft.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at pansamantalang makakalaya kung makakapaglagak ng kanyang piyansang P60,000.00

Facebook Comments