Top 2 Most Wanted sa Isabela, Arestado; Mga Baril at Granada Nasamsam!

930

Cauayan City, Isabela- Hawak na ng mga alagad ng batas ang itinuturing na Top 2 Most Wanted Person sa Lalawigan ng Isabela matapos itong maaresto sa kanyang bahay sa Brgy. Banquero, Reina Mercedes, Isabela.

Ang akusado ay kinilalang si Ramon Monte, 28 anyos, walang asawa, security guard at residente ng nabanggit na lugar.


Si Monte ay nahaharap sa kasong Robbery at paglabag sa RA 10591 kung kaya’t isinilbi ang kanyang Warrant of Arrest at Search Warrant sa kanyang tahanan na nagresulta sa kanyang pagkakahuli.

Nakumpiska ng mga otoridad sa kanyang pag-iingat ang isang (1) Disassembled Caliber 45, isang (1) Cal 38 Armscor, Cal 38 Replica, 2 pirasong Cylinder ng Revolver, isang (1) shotgun Volt, isang (1) hand grenade, mga basyo at iba’t-ibang uri ng bala, isang (1) black holster, pouch, Kevlar, isang (1) pistol case ng Beretta at isang (1) unit ng improvised Airgun.

Dinala na sa himpilan ng pulisya si Monte para sa booking at inquest proceedings.

Facebook Comments

From Advertisers