ROAD CLOSURE, IPATUTUPAD SA KASAGSAGAN NG ALCALA TOWN FIESTA 2026

Inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa bayan ng Alcala ngayong araw, Mayo 2, 2026, kasabay ng pagdiriwang ng Alcala Town Fiesta 2026.

Ayon sa abiso, ipatutupad ang pansamantalang pagsasara ng kalsada mula Barangay San Pedro Ili hanggang Barangay San Vicente simula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng umaga.

Ito ay upang bigyang-daan ang parada bilang bahagi ng selebrasyon at Pinapayuhan ang mga motorista na magplano ng kanilang biyahe nang mas maaga, gumamit ng alternatibong ruta, at maglaan ng dagdag na oras upang maiwasan ang abala sa biyahe.

Ayon pa sa mga awtoridad, magtatalaga ng mga traffic enforcer upang mangasiwa sa daloy ng trapiko.

Inaatasan din ang lahat ng light vehicles na sundin ang ipatutupad na rerouting scheme na maaaring dumaan sa mga inner roads gaya ng Panganiban Street, Funston Street, Lawton Street, Arboleda Street, at San Felipe-Mangandingay Road at vice versa.

Hinihikayat ang publiko na sumunod sa mga traffic signs at makipagtulungan sa mga awtoridad upang masiguro ang maayos at ligtas na daloy ng trapiko sa buong selebrasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments