Tuesday, June 30, 2026

Mga aktibidad ni Pangulong Marcos ngayong araw, kanselado dahil sa INC rally

Kinansela ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang mga nakatakdang aktibidad ngayong Martes, Hunyo 30, upang tutukan ang sitwasyon sa EDSA kasabay ng isinasagawang rally ng mga indibidwal mula sa Iglesia ni Cristo (INC).

Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez, personal na mino-monitor ng pangulo ang mga kaganapan habang nagpapatuloy ang pagtitipon.

Kabilang sa mga kinansela ang pagdalo niya sa inagurasyon ng Marine Clean-up Vessel for the Enhancement of Marine Litter Management (EMLM) in Manila Bay Project, na nakatakda sanang maganap ngayong alas-9 ng umaga.

Kanselado na rin ang Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) Presidential Luncheon, na naka-schedule mamayang alas-12 ng tanghali sa Makati.

Facebook Comments