Toronto Raptors – pasok na sa second round ng Eastern Conference Playoffs matapos talunin ang Milwaukee Bucks sa game 6..San Antonio Spurs, wagi kontra Memphis Grizzlies sa game 6 ng Western Conference Playoffs

Manila, Philippines – Pasok na sa second round ng NBA Eastern Conference Playoffs ang Toronto Raptors matapos na manalo sa Milwaukee Bucks sa score na 92-89.
Nanguna sa panalo ng Toronto si Demar De Rozan na mayscore na 32-points habang 13-points naman ang nai-ambag ni Kyle Lowry.
Sa postgame interview, sinabi ni Raptors Coach Dwayne Casey – na bagama’t nakahabol ang bucks sa 4th quarter ng laro, nanatili pa dinsila sa game plan para masungkit ang panalo.
Magsisimula naman ang game 1 ng laban ng Toronto at Cleveland Cavaliers sa May 2 sa mismong home court ng Cavs.
Samantala, pasok na din sa susunod na round ng western conference playoffs ang San Antonio Spurs matapos na talunin sa game 6 ang Memphis Grizzlies sa score na 103-96.
Nanguna sa panalo si Tony Parker na may 27–points kung saan makakaharap nila sa second round ang Houston Rockets.

Facebook Comments