
Kinilala si Dagupan City Mayor Belen T. Fernandez bilang isa sa Top 7 performing mayors sa Ilocos Region batay sa isang nationwide survey.
Ayon sa resulta ng survey, kabilang si Fernandez sa nangungunang pitong alkalde mula sa 125 local chief executives sa rehiyon.
Nakabatay umano ito sa pananaw at aktwal na karanasan ng mga mamamayan hinggil sa kalidad ng serbisyong ibinibigay ng lokal na pamahalaan ng lungsod.
Sa ilalim ng survey, sinuri ang antas ng pamumuno ng mga lokal na opisyal sa buong bansa sa pamamagitan ng aktuwal na feedback ng publiko, partikular sa aspeto ng serbisyo, pamamahala, at pagtugon sa pangangailangan ng kanilang nasasakupan.
Ayon sa ulat, ang pagkakasama sa Top 7 ay itinuturing na indikasyon ng positibong pagtanggap ng mga mamamayan sa pamumuno ng naturang lider sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










