Trailer Truck sa Aurora, Isabela, Nag-syete Matapos Bumangga sa Riles!

*Aurora, Isabela- *Nahulog at Inararo ng isang Container Trailer Truck ang mga railings at poste matapos sumabog ang gulong kagabi particular sa lansangan ng Brgy. Sili, Aurora, Isabela.

Batay sa panayam ng RMN Cauayan kay Rex Pagdatu ng Blanca, Pampanga, ang may- ari ng truck, na habang binabaybay nila ang kahabaan sa naturang barangay ay nakita na lamang nito na pagewang-gewang ang takbo ng kasunod na truck na minamaneho ni Mark Anthony Dela Cruz at bigla na lamang sumabog ang kanang gulong sa harapan at dumeretso sa kalamansihan.

Ayon pa kay Pagdatu, galing umano sila sa Appari papuntang Maynila upang magdeliver ng mga machines at hindi na umano nakontrol ng drayber ang kanyang manibela nang sumabog ang kanyang gulong kaya’t dumeretso na ito sa kalamansihan.


Nagpapasalamat naman ang mga mag convoy dahil wala umanong gaanong nasugatan sa nasabing aksidente.

Ayon naman sa miyembro ng DPWH na si Marvin Martin na nasa sampung poste at labing tatlong railings ang inararo ng nahulog na truck at ngayon ay nakikipag-ugnayan na sa DPWH ang may-ari ng Truck hinggil sa mga nasirang railings.

Facebook Comments