Pederalismo, Tungo Umano sa Pagbabago Ayon sa Guardian Brotherhood ng Isabela!

*Cauayan City, Isabela- *Buo at malaki ang suporta ng Philippine Guardian Brotherhood Incorporated (PGBI Isabela) sa Pederalismong isinusulong ni Pangulong Duterte sa paniniwalang magiging daan umano ito tungo sa pagbabago.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni ginoong Amorsolo Soriano, ang Pinuno ng Philippine Guardian Brotherhood Incorporated (PGBI Isabela) na pabor umano sila sa Pederalismo upang mabago na ang mga hindi magandang Sistema sa ating pamahalaan.

Aniya, suportado rin ng buong organisasyon ng Patriotic Action for Democracy Equality and Reform o PADER dito sa lalawigan na isulong ang Pederalismo mula sa Unitary na Sistema ng Pamahalaan.


Nakikita kasi umano nila ang malaking pinagbago na ginawa ni Pangulong Duterte at magandang ideya umano ito para sa lahat ng mga Pinoy

Handa rin umano ang kanilang samahan sa koordinasyon kung magkakaroon man umano ng pagpupulong hinggil sa usapang Pederalismo.

Hinikayat naman ni ginoong Soriano ang lahat ng kanyang kasamahan na ipagpatuloy lamang ang kanilang pagsuporta sa Pederalismo para sa ikagaganda umano ng ating bansa.

Facebook Comments