
Nagdudulot ng masikip na nadaloy ng trapiko ang nangyaring pagsalpok ng isang 20 wheeler trailer truck sa isang pampasaherong bus sa bahagi ng MacArthur Hi-way na sakop ng Barangay Marulas sa Valenzuela city.
Ang insidente ay naganap sa southbound lane ng MacArthur Hi-way na tapat ng Fatima University Medical Center.
Nangyari ito pasado alas-2:00 ng madaling araw kung saan sinalubong at sinakop ng trailer truck na may plate number na NDO-6789 ang lane kaya nabangga nito pampasaherong bus na may plate number na NIS-1750.
Hindi pa malinaw kung nawalan ng kontrol o nakatulog ang driver ng trailer truck kaya nito nabanggag nasabing bus.
Wala naman pasahero ang bus ng mangyari ang banggaan at nasa maayos naman na kalagayan ang dalawang driver pero pahirapan sa pagsakay ngayon ang mga pasahero bunsod ng masikip na daloy ng trapiko partikular ang mga tutungo ng Malabon, Caloocan, Monumento at pa-Maynila.
Unti-unti naman ng inililipat ang bus at ang trailer truck pero ang bigat ng daloy ng trapiko ay umabot na sa area ng Karuhatan.










