Monday, August 10, 2026

PBBM, nangakong sisikaping matupad ang mga pangako sa SONA

Aminado si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na marami pang kailangang gawin para maisakatuparan ang mga programang binanggit niya sa kanyang State of the Nation Address (SONA).

Ayon kay Pangulong Marcos, hindi natatapos sa talumpati ang SONA dahil kailangan itong sundan ng konkretong aksyon para matugunan ang mga problema ng mga Pilipino.

Kabilang sa mga tinututukan ng pamahalaan ang paglaban sa gutom, gaya ng pamamahagi ng bigas sa mga nangangailangang pamilya at feeding programs para sa mga batang nag-aaral.

Sa sektor ng kalusugan, binanggit ng Pangulo ang Yaman ng Kalusugan Program (YAKAP), dagdag na tulong para sa dialysis patients, at mga hakbang para sa cancer, HIV/AIDS at mental health.

Ipinunto rin ni Marcos ang Zero Balance Billing sa mga ospital ng Department of Health (DOH) at pagtanggal ng value-added tax sa ilang gamot.

Patuloy rin aniyang na pakikinggan ng pamahalaan ang mga hinaing ng publiko at tutugunan ang mga problemang maaari pang aksyunan ng gobyerno.

Facebook Comments