Nagsagawa ng clearing operations sa bahagi ng Cervantes-Tadian Road sa Bulaga, Aluling, Cervantes, Ilocos Sur matapos magkaroon ng mga debris at iba pang sagabal sa kalsada kasunod ng malakas na pag-ulan.
Inalis ang mga nakaharang sa daan upang maging mas ligtas at maayos ang pagdaan ng mga motorista sa naturang ruta.
Mahalaga ang Cervantes-Tadian Road dahil nagsisilbi itong isa sa mga rutang nag-uugnay sa mga upland area ng Ilocos Sur patungong Mountain Province.
Patuloy namang mino-monitor ang kondisyon ng kalsada dahil sa posibilidad ng panibagong pagguho o pagbagsak ng debris, lalo na kung magpapatuloy ang pag-ulan.
Pinapayuhan ang mga motorista na mag-ingat sa pagdaan sa mga bulubunduking bahagi ng ruta at sumunod sa mga babala at traffic advisory ng mga awtoridad. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










