Türkiye at Syria, nagpatulong sa PRC para sa pagkolekta ng donasyon para sa mga biktima ng malakas na lindol doon

Photo Courtesy: Philippine Red Cross

Kinumpirma sa RMN Networks ni Philippine Red Cross (PRC) Chairman Richard Gordon na humingi ng tulong sa kanila ang Türkiye at Syria para sa pagkolekta ng mga donasyon.

Ito ay para sa mga sinalanta ng sunud-sunod na malalakas na lindol sa Türkiye at Syria.

Kinumpirma rin ni Gordon na bukod sa mga paunang tulong na cash donations at mahahalagang kagamitan na pinadala nila sa Türkiye at Syria, magpapadala rin sila bukas ng 200 generator sets at portable toilets para magamit ng mga biktima ng lindol.


Ayon kay Gordon, may mga senador, kongresista at malalaking negosyante sa bansa ang nagbigay rin ng sarili nilang pera para sa mga biktima ng lindol sa Türkiye at Syria.

Una na ring nagbigay ang PRC ng 100,000 US dollars sa Syria at 100,000 US dollars sa Türkiye.

Facebook Comments