Ugnayan ng DOH at DepEd sa pagbubukas ng klase, pinalawak pa

64

Pinalawak pa ng Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) ang kanilang ugnayan sa paghahanda sa face-to-face classes.

Partikular ang pagpapaigting ng pagbabakuna kontra COVID-19 para palakasin ang immune system ng mga mag-aaral.

Kasama rin sa plano ang pag-iikot ng mobile vaccination sa mga paaralan.


Sa ngayon, umabot na sa 18.6 million na mga estudyante ang nagpatala para sa School Year 2022-2023

Ito ay katumbas ng 60% mula sa target na mag-e-enroll ngayong taon na 28.6 million.

Facebook Comments