25 EMPLEYADO NG SM CAUAYAN AT TUGUEGARAO CITY, PINARANGALAN

20
Dalawampu’t limang (25) empleyado ng SM City Cauayan at SM Center Tuguegarao Downtown ang pinarangalan dahil sa kanilang katapatan sa isinagawang Joint Tactical Inspection (JTI) and General Assembly of Troops, kaninang umaga, Agosto 11, 2022 sa Cauayan City, Isabela.

Sampung gwardiya at 15 personnel mula sa housekeeping ng dalawang mall ang tumanggap ng kanilang certificates of commendation mula sa SM.

Ang mga nabigyan ng parangal ay kinabibilangan ng mga nagsauli ng napulot at narekober na cellphone at pera ganun din ang mga nakahuli ng mga shoplifter o magnanakaw.

Ang JTI ay taunang aktibidad na naglalayong mainspek ang kahandaan ng mga guwardiya ng SM Supermalls upang matiyak ang kaligtasan ng mga mall goers, empleyado at tenants ng naturang mall.

Bukod dito, sumailalim din sa ebalwasyon ang mga miyembro ng janitorial and maintenance services.

Facebook Comments