Pinagtibay ng mga mamamahayag at Pangasinan Police Provincial Office (PPO) ang kanilang ugnayan sa isinagawang Induction and Oath-Taking Ceremony ng Pangasinan PNP Press Corps 2026 noong August 8, 2026.
Pinangunahan ni Police Colonel Dennis L. De Leon, Officer-in-Charge Provincial Director ng Pangasinan PPO, ang aktibidad na dinaluhan ng mga bagong halal at outgoing officers ng Pangasinan PNP Press Corps, mga mamamahayag at iba pang panauhin.
Binigyang-diin ni De Leon, ang mahalagang papel ng media bilang katuwang ng PNP sa pagbibigay ng napapanahon, tumpak at responsableng impormasyon sa publiko.
Ayon sa opisyal, mahalaga ang matatag at propesyonal na ugnayan ng pulisya at media upang maisulong ang transparency, accountability at tiwala ng publiko, lalo na sa mga usapin ng peace and order, public safety at paghahatid ng serbisyong pulisya.
Nagtapos ang aktibidad sa isang fellowship na naglalayong higit pang palakasin ang pagkakaisa, pagkakaunawaan at kooperasyon ng PNP at media sa lalawigan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣











