2ND BATCH TULONG DUNONGSCHOLARSHIP, BINUKSAN PARA SA SAN CARLENEAN COLLEGE STUDENTS

May pagkakataon ang mga kwalipikadong college students sa San Carlos City na makatanggap ng ₱7,500 educational assistance sa pagbubukas ng 2nd batch ng Tulong Dunong Program (TDP) ng CHED-UniFAST para sa unang semestre ng School Year 2026–2027.

Ang programa ay para sa unang 100 online applicants.

Kabilang sa mga pangunahing kwalipikasyon ang pagiging Filipino citizen at hindi pagiging benepisyaryo ng Tertiary Education Subsidy (TES), CHED Scholarship Programs (CSPs), o iba pang scholarship programs na pinopondohan ng national government, maliban sa FHE at AICs.

Kinakailangan namang magsumite ng Certified True Copy ng Certificate of Registration o Enrollment para sa unang semestre ng AY 2026–2027, Certificate of Indigency ng magulang o guardian na pirmado ng Punong Barangay, 2×2 ID picture, photocopy ng school ID kung mayroon, long brown envelope, at accomplished TDP-TES Application Form.

Maaaring magparehistro ang mga interesado sa pamamagitan ng online application form.

Paalala na ang kasalukuyang registration ay masterlisting lamang ng mga prospective qualified beneficiaries na ie-endorse sa CHED.

Ang CHED ang magsasagawa ng final approval at allocation ng mga kwalipikadong benepisyaryo.

Kapag naaprubahan, ipapaalam sa mga kwalipikadong estudyante kung kailan maaaring i-claim ang kanilang grant. Ang mga kinakailangang dokumento at application form ay kailangang personal na isumite ng estudyante sa CHED office sa oras ng claiming ng grant. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments